Additional Label ng Paninda

Additional Label ng Paninda

Napansin ko na madalas napagkakamalan ng mga Panauhin na walang laman na clear pockets refill ang ating mga panindang clearbook mula Bultuhan. Ito ang may sukat na short na P65.00 at long naman na P73.00. Dahil sa may kanipisan sa unang tingin ay aakalain mong wala itong lamang plastic sa loob. Hindi katulad ng mga premium clearbook na makapal ang clear pocket refill kaya naman visible ito kaagad sa mata ng mga Panauhin. Dahil dito ay may pagkakataon na bubuksan pa nila ang plastic nito upang tingnan kung mayroon ba itong laman o wala. Bunga nito ay mataas ang tiyansa na masira ang packaging nito at pagkasira na mismo ng produkto kung hindi kaagad ito maibabalik sa orihinal na ayos. Tulad na lamang ng mga grupo ng mga estudyante na aking napansin. Bumili naman sila ng refill nito dahil akala daw nila ay wala itong laman.
Upang mabigyan ng solusyon ay nag-isip ako na lagyan na lamang ito ng additional label na "with 20 clear pocket refill." Inilagay ko ito sa yellow channel na katabi ng price label. Sa pamamagitan nito ay mas madaling mauunawan ng mga Panauhin at mas mapapabilis ang kanilang pamimili.